Tiniyak ng alkalde ng bayan ng Basista na si Mayor Jolly Resuello ang tuloy tuloy na progresibong bayan para sa kanyang mga nasasakupan sa pamamgitan ng kanyang mga plano, programa at proyekto lalong lalo na ang muling pagbangon nito sa kanilang public market kasama ang mga apektadong vendors sa nagdaang sunog noong buwan ng Mayo.
Ayon sa kanya isa ito sa kanyang binigyang prayoridad ngayon upang mabumbalik muli ang hanapbuhay ng mga vendors sa palengke, kung kaya naman sa kasalukuyan ay tuloy tuloy ang pagkakaroon ng progreso para sa pagsasaayos nito dahil anya na ang market ang puso ng isang bayan.
At kamakailan lamang ay muli silang nagsagawa ng paglilinis sa lugar katuwang ang iba’t ibang opisina sa kanilang bayan gaya na lamang ng MDRRMO, MARKET STAFF at iba pa upang tuluyan ng malipat ang mga vendor sa loob ng market.
Tiniyak naman nito ang pangako sa mamamayan ng bayan para sa pagkakaroon ng two-storey public market.
Kaugnay nito ay lubos naman ang naging pasasalamat ng alcalde sa mga natanggap na tulong pinansyal mula sa gobernador ng probinsya para sa higit tatlong daang tindera na nasunugan ng pwesto sa Pamilihang bayan.
Bukod dito ay magbibigay din ito ng 10 milyong piso para sa pagsasaayos ng public market. Nakatanggap din ng tulong mula kay Vice President sara Duterte, Sen Risa Hontiveros at panday partylist ng bayan.