Mga kabombo! Paalala lang na huwag niyo itong tularan.

Arestado kasi ang 27-anyos na lalaki matapos nitong pasukin nang 20 beses ang apartment ng kaopisinang babae?

Ayon sa ulat, kakaiba ang naging estratehiya nito, paano ba naman kasi sinadya niyang ipa-duplicate ang susi ng kaniyang katrabaho para magtagumpay sa plano!

--Ads--

Ang suspek ay kinilalang si Yuki Murai na nagtatrabaho sa isang kompanya sa Tokyo.

Kung saan anim na buwan ang nakaraan, may bagong hire na babaing administrative assistant sa kanilang kompanya. Agad itong nakursunadahan ni Murai dahil maganda at mabait.

Simula noon, nagsimulang magpadala ng text si Murai sa babae. Subalit hindi siya sinasagot nito.

Dahil sa hindi pagsagot ng babae sa mga text, naisip ni Murai na pasukin ang bahay nito.

Hanggang sa dumating ang isang gabi, habang nag-o-overtime, nakuha niya ang susi ng babae mula sa bag nito.

Kinuha ang bawat detalye ng susi para ipakopya sa isang online key duplicating service.

Nang ma-duplicate ang susi, ginamit ito ni Murai para makapasok sa apartment ng babae tuwing gabi. Sa tuwing papasok sa apartment ng biktima, kinukunan­ ni Murai ng litrato ang iba’t ibang bahagi nito. Nakita ng mga awtoridad sa cell phone ng suspek ang mahigit 300 pictures ilan sa mga ito ay litrato ng damit na naiwan sa sofa at salamin ng banyo.

Nagnakaw din siya ng mga damit ng babae bilang “souvenir”.

Nagsimulang makaramdam ang babae na may pumapasok sa kanyang bahay nang mapansin niyang naiiba ang puwesto ng mga gamit at may mga bakas ng paa sa sahig.

Pagkatapos makapagsumbong sa mga pulis, naglagay ang babae ng mga hidden camera.

At dito na nabisto si Murai at nahaharap sa kasong illegal breaking and entering.