DAGUPAN CITY- Walang sapat na budget para sa flood-control ang isang nakikitang dahilan ni Bradford Adkins, Bombo International News Correspondent sa USA, sa mabilis pag-apaw ng Guadalupe River, sa Texas na kalaunan nagdulot ng maraming pagkasawi.
Aniya sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, umaasa lamang sa kakarampot na budget mula sa Federal Tax ang nasabing lugar at hindi ito sapat para makapaglunsad ng mga malalaking proyekto, partikular na sa pagtugon sa baha.
Dahil dito, labis na binabaha ang mga catch-basin areas sa Texas tuwing bumubuhos ang ulan sa matataas na bahagi ng estado.
Gayunpaman, aniya, hindi rin inaasahan ang dami ng lebel ng ulan at ang itinaas din ng baha.
Dagdag pa niya, kilala rin ang Camp Mystic na dinarayo tuwing summer camp dahil sa mga aktibidad nito sa kalapit na katubigan na konektado sa naturang ilog subalit, isa rin ito sa kilalang flashflood prone area.