May panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo na sasalubong sa mga motorista bukas.

Gayunman, nananatili pa ring mas mataas ang kabuuang itinaas ng presyo mula sa simula ng taon.

Sa magkakahiwalay na abiso, inihayag ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Seaoil Philippines Corp., at Shell Pilipinas Corp. na magpapatupad sila ng rollback na P0.70 kada litro sa gasolina, P0.10 sa diesel, at P0.80 sa kerosene.

--Ads--

Parehong rollback din ang ipatutupad ng Cleanfuel, Petro Gazz Ventures Philippines Corp., at PTT Philippines Corp., maliban sa kerosene na wala sa kanilang produkto.

Epektibo ang bagong presyo pagsapit ng alas-6:00 bukas ng umaga Martes, Hulyo 8, 2025, maliban sa Cleanfuel na magsisimula alas-8:01 ng umaga sa parehong araw.

Wala pang abiso mula sa iba pang kompanya ng langis ukol sa posibleng rollback ngayong linggo.