BOMBO DAGUPAN – Biglaan ang pagtaas ng tubig na nangyari sa gabi at sa loob lamang ng 45 minuto ay umapaw agad ang mga ilog.

Ganito isinalarawan ni Des Baker, Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan kaugnay sa situwasyon ngayon sa Texas.

Ayon kay Baker, malaki at malawak ang naapektuhan ng bagyo at kabilang dito ang pag apaw ng Guadalupe river.

--Ads--

Bagamat may siren o alert na inaactivate pero dahil dahil nangyari sa gabi ang flashflood at marami ang hindi na nagawang makalabas sa kanilang bahay.

Oras oras ay maraming narerekober na bangkay ng pinagsamang mga matanda at mga bata kung saan kaninang umaga ay nasa limampung katawan ang natagpuan.

Nagdeklara na ng federal emergency si Texas governor Greg Abbot.

Ani Baker, sa ngayon ay wala pang napaulat na Filipino na nadamay o naapektuhan ng pagbaha.

Nagpapatuloy pa ngayon ang paghahanap sa mga nawawala at umaasa ang marami na hindi na madadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi.