DAGUPAN CITY – Pinangangambahang madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa matinding baha na naranasan sa Central Texas sa bansang Amerika habang nagpapatuloy ang paghahanap ng mga nawawala.
Hanggang kaninang umaga ay nasa 47 Katao na ang nasawi kabilang ang 15 bata.
Ayon kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa bansang Amerika, ang nararanasang baha sa Texas ay itinuturing na pinakamalala sa loob ng 100 taon na kasaysayan ng Texas.
Pinaka apektado umano ay ang bahagi ng San Antonio, Texas.
Ang malaking bahagi ng operasyon ay nakatutok sa isang Christian summer camp para sa mga babae na tinatawag na Camp Mystic, na matatagpuan sa pampang ng Guadalupe River.
Sa kasalukuyan ay nakakalat na ang daan-daang rescuer upang maghanap ng mga survivor.
Dagdag pa ni Pascual na nakipag ugnayan na rin si US President Donald Trump mga lokal na awtoridad upang tugunan ang emergency.
Tinawag aniya ni Trump ang biglaang pagbaha na isang kahindik-hindik na pangyayari na nagdulot ng matinding pagkabigla at pighati.