Isang malawakang operasyon ng paghahanap at pagsagip ang kasalukuyang isinasagawa sa estado ng Texas matapos ang malawakang flash flood na kumitil ng hindi bababa sa 13 katao.
Ayon kay Lieutenant Governor Dan Patrick, mahigit 20 batang babae na nasa isang summer camp pa rin ang hindi pa natatagpuan hanggang sa ngayon.
Kung saan sa loob lamang ng 45 minuto, tumaas ang lebel ng Guadalupe River ng 26 talampakan at nagdulot ito ng mapaminsalang pagbaha.
Noong Biyernes ng umaga, idineklara ang state of disaster sa mga rehiyon ng Hill Country at Concho Valley dahil sa biglaang pagbaha, na dulot ng walang patid na ulan.
Sa ngayon ay patuloy ang pagtugon ng mga otoridad at rescue teams, habang nananawagan ang pamahalaan sa publiko na maging alerto at sumunod sa mga abiso ng mga lokal na awtoridad.