Mga Kabombo! Ano ang kaya mong gawin para makakuha ng refund mula sa isang airline?
Kaya mo bang sabihin na patay ka na sa ngalan ng libre?
Ito kasi ang ginawa ng isang content creator matapos niyang pekein ang kanyang kamatayan para lang makuha ang $50 na refund mula sa isang airline.
Kinilala ito na si British YouTuber Max Fosh. Kung saan, sinabi nito na hindi niya nagamit ang binili niyang plane ticket, ngunit ayon sa patakaran ng airline, kamatayan ng pasahero ang tanging tatanggapin nilang dahilan para ma-refund ang bayad.
Dahil dito, nagpunta si Fosh sa Seborga, Italy, para kumuha ng “death certificate” mula sa isang lokal na opisyal. Ipinasa niya ito sa airline bilang patunay na “patay” na siya.
Lingid sa kaniyang kaalaman, ilegal ang ginawa nito at maaari siyang makasuhan ng fraud kahit pa biro lamang ito.
Hindi pa rin niya nakuha ang refund, ngunit nag-trending ang kanyang video at umani nang maraming reaksiyon sa social media.
Paalala ng ilan, mahalagang basahin at unawain ang refund policy ng airline bago bumili ng ticket.