DAGUPAN CITY- ‎Sa layuning mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan, mas pinagtutuunan ngayon ng pansin ng Longos Elementary School sa bayan ng San Fabian ang mga mag-aaral sa ikatlong baitang na hindi pa ganap na marunong magbasa, bago sila umakyat sa ika-apat na baitang.

‎Pinangunahan ng pamunuan ng paaralan, sa pangunguna ni School Principal Delia Magsanoc, ang mas pinaigting na pagsusuri at pagtutok sa reading proficiency ng mga mag-aaral.

Layunin nitong matiyak na bago sila lumipat ng antas, may sapat na kasanayan na sila sa pagbasa na magsisilbing pundasyon nila sa pag aaral.

‎Kasabay nito, ipinatutupad na rin ngayong pasukan ang bagong curriculum para sa Grades 2, 3, at 5. Isa ito sa mga hakbang ng Department of Education upang tugunan ang mga isyung kinakaharap ng sektor ng edukasyon, kabilang ang mababang reading comprehension ng maraming mag-aaral sa bansa.

‎Patuloy ang pakikipagtulungan ng mga guro, magulang, at pamahalaan upang maisakatuparan ang layunin ng mas inklusibo at kalidad na edukasyon para sa bawat batang Pilipino.