DAGUPAN CITY- Apat na katao ang kumpirmadong nasawi habang hindi bababa sa 38 ang patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad matapos lumubog ang isang ferry dahil sa malalakas na alon malapit sa kilalang resort island ng Bali, Indonesia.

Ayon sa awtoridad, 23 pasahero ang nailigtas habang apat ang nasawi sa insidente.

Batay naman sa ulat ng National Search and Rescue Agency, lulan ng ferry ang 53 pasahero, 12 crew members, at 22 sasakyan, kabilang na ang 14 na trak.

--Ads--

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang operasyon ng mga rescuer upang hanapin ang mga nawawala.

Ang KMP Tunu Pratama Jaya ay lumubog halos tatlumpung minuto matapos itong umalis mula sa Ketapang Port sa East Java.

Nakatakda sana itong tumawid patungong Gilimanuk Port sa Bali, sa layong 50 kilometro.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa sanhi ng trahedya, habang nagkakaisa ang mga awtoridad at volunteers sa ginagawang pagsagip sa mga posibleng survivor.