DAGUPAN CITY- Timbog sa buy-bust operation sa Brgy. Pangapisan North, sa bayan ng Lingayen ang isang Regional High-Value Individual matapos itong mahulihan ng hinihinalang shabu.
Ayon kay PLt.Col. Jojit Mananquil, Deputy Commander ng PNPDEG SOU1(Special Operations Unit 1)/Team Leader Team 2, kinilala ang suspek na si Alfred Victorio, alsyas “Boyong”, 56 taon gulang, at Top 3 Priority Target ng Region 1.
Aniya, nakatanggap sila ng reklamo mula sa isang concerned citizen kung saan agad din naman nila itong kinasahan ng operasyon.
Nakumpirma naman nila sa kanilang validation ang pagbebenta ni Boyong ng illegal na droga.
Nasawata naman sa suspek ang 10 gramong droga na nagkakahalagang P68,000 sa suspek na kinikilalang si alias “Boyong”.
Aniya, dinala ang suspek sa opisina ng kanilang tanggapan habang naka-turn over naman sa Pangasinan PFU para sa dokumentasyon at paghain ng mga kaso.
Inilapit naman ng isang concerned citizen sa kanilang tangggapan ang pagbebenta ng suspek na kanila naman kinasahan ng operasyon.
Dagdag pa ni Mananquil, patuloy pa ang kanilang operasyon upang hanapin ang mga kasamahan ng suspek.