Sinimulan nang isagawa ang rehabilitasyon ng dump site sa syudad ng Dagupan upang gawing fun site na inaasahang dadayuhin ng mga residente.
Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, tuloy-tuloy na ang paghahakot ng mga dump truck ng mga basura at ihahatid naman ito sa landfil sa syudad ng Urdaneta.
Gayunpaman, malapit na rin mapuno ang kapasidad ng nasabing paglilipatan na landfill.
Maliban pa riyan, dinadala naman sa Holcim anga mga basurang na-segregate na.
Tuluyan na rin ipinasara ang dump site at hindi na makakapasok pa ang mga magtatapon ng basura doon.
Nakikipag-ugnayan na rin si Mayor Fernandez sa mga Barangay Captain para sa pagsesegregate at pagtatapon ng basura kung saan magsasagawa sila ng dry run upang bigyan solusyon ang pagtatapon ng basura.
Dagdag pa niya, sa kamakailang pagtatanim ng mga puno, magiging panimula ito upang maging malinis na ang lugar.
Nakatakda rin na magkaroon ng mini forest, pathway, sports area para sa mga kabataan at iba pa na mapapakinabanagan ng mga residente.