DAGUPAN CITY- Labis na makikinabang ang mga residente ng Amerika sa oras na maging epektibo na ang One Big Beautiful Bill.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa USA, sa ilalim ng naturang bill ay mas mapapaonti ang mga buwis na babayaran ng mga average American citizens.

Aniya, sa ilalim ng naturang bill, tatanggalan na rin ng Social Security ng buwis ang mga fixed income ng mga nagtatrabahong senior citizens at pati na rin ang mga overtime workers at nakakatanggap ng tips.

--Ads--

Maliban pa riyan, mapapakinabangan ng mga residente ng Amerika ang libreng Medicaid, kung saan mas mapapamura rin ang magagastos sa mga prescriptions.

Gayunpaman, tinitiyak nito na hindi na makakatanggap pa ng libreng benepisyo ang mga ilegal na naninirahan sa Estados Unidos.

Isa pa umano sa hightlight nito ay ang pagkakaroon ng tax break sa mga mayayamang tao na may multi-business upang makagawa ng trabaho para sa mga tao.

Samantala, kasalukuyang pinagdidiskusyonan pa sa lower house ang pagpapasa ng naturang bill.

Ito ay naipasa sa kamay ng lower house matapos itong dumaan sa senado.

Binigyan naman ni US President Donald Trump ito ng deadline hanggang sa biyernes, July 4, oras sa Amerika.