DAGUPAN CITY- Binabantayan na ng Office of the Civil Defesense (OCD) Region 1 ang mga weather distrubances at ang maaaring maging epekto nito sa rehiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Adreanne Pagsolingan, Public Information Officer ng naturang tanggapan, sa kanilang isinagawang Pre-disaster assessment scenario building ay ipinakita ang paghahanda ng kanilang mga tanggapan pagdating sa epekto ng sama ng panahon.

Kanilang pinapayuhan na rin ang mga kasamahan at iba’t ibang tanggapan na magsagawa ng mga paghahanda sa maaaring epekto ng sama ng panahon, lalo na’t tuloy tuloy na nakakaranas ng pag-ulan ang rehiyon uno.

--Ads--

Dapat bantayan na rin ang mga lugar na bahain at maaaring makaranas ng landslide.

Kung kinakailangan na aniya ng pre-emptive evacuation, inaabisuhan nilang agad din itong isagawa para matiyak ang kaligtasan ng mga residente.