DAGUPAN CITY- Mas dumami pa umano ang nakakaranas ng kagutuman sa ilalim ng Administrasyong Marcos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sonny Africa, Executive Director ng Ibon Foundation, kapos na kapos pa ang hakbangin ng kasalukuyang administrasyon upang tugunan ang kagutuman na umiiral sa bansa.

Aniya, mahigit isa sa tatlong pamilya ang nakakaranas ng food insecurity at nagdudulot ito ng malnutrisyon.

--Ads--

Kaya kailangan seryosohin ng gobyerno na suportahan ang agrikultural na produksyon upang magkaroon mapagtibay ang seguridad sa pagkain.

Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng murang pagkain ang mga Pilipino.

Maliban pa riyan, dapat din suportahan ng gobyerno ang paggawa ng makabuluhang trabaho sa lokal na industriya.

Subalit, hirap naman ang pamahalaan na makakuha ng pondo para masuportahan ang mga ito.

Kaya para kay Africa, bagsak ang grado ng food security ng bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.