Mas lalo pang pagtutuunan ng pansin ng alkalde ng Dagupan City ang mga programa at proyekto na makakatulong para sa mga residente ng syudad.
Aniya na isa dito ang pagbuo ng programang ‘Maarong Ina’ kaya naman papalakihin nito ang pondo para sa programa nang sa gayon ang lahat ng kanilang pangangailangan ay matutugunan.
Dagdag din nito na susubukan din nila na makipag-ugnayan sa mga national government para palawakin pa ang mga serbisyo gaya na lamang ng health services, education, livelihood at marami pang iba.
Bukod dito ay tuloy tuloy aniya ang pagsulong ng kanilang mga plano para sa mga residente ng syudad.
Gayundin ang buong suporta ng kanilang tanggapan para sa mga senior citizens.
Prayoridad din niya ang pagbibigay scholarship para sa mga mag-aaral kung saan sinimulan na rin nila ang pagtanggap ng mga applicant.
Bukod pa riyan ang pagpapatayo at pagsasaayos ng mga classroom para sa mga kabataan ng syudad.
Sa ngayon plano nito ang mga bagong classroom na isasaagwa ay lalagyan ng aircon para sa mas maginhawa na kanilang pag-aaral lalo na at nagiging problema ang pag-antala sa pasok ng mga estudyante dahil hindi sumasapat ang mga bentilasyon bunsod sa mainit na panahon.