Maaari lamang ipagpaliban ang eleksiyon kung ito ay legal at naaayon sa konstitusyon at dapat hindi ito inaabuso, kundi ginagamitan ng tamang paghusga.
Yan ang inihayag ni Atty. Helen Graido Director for Technology and Policy Reforms. LENTE isa itong paalala na ang karapatang bumoto ay sagrado at ang ating boto ay para sa mga kandidatong handang magsilbi, kahit sa limitadong panahon.
Sa kasalukuyang sistema, ang pangulo ay may anim na taong termino, habang ang mga mayor ay may apat na taon.
Hindi ito basta-basta binabago, at dapat tayong maging mapagbantay sa anumang tangkang lumihis dito nang walang legal na batayan.
Subalit noong kasagsagan ng pandemya, napatunayan ng marami sa ating mga lokal na opisyal ang kanilang kahalagahan.
Ang mga barangay at SK ang nagsilbing tulay sa pagitan ng gobyerno at mamamayan.
Hindi sila simpleng “barangay lang” kundi sila ang unang dapat rumesponde sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.
Ang pagbabantay sa pamahalaan ay hindi natatapos sa araw ng eleksyon.
Kung saan kailangang bantayan natin kung natutupad ng mga nahalal ang kanilang mandato, at kung sila ay nagsisilbi nang tapat sa bayan.
Pagbabahagi pa ni Atty. Graido na hindi lamang patungkol sa pa-liga, beauty pageant, o pamimigay ng school supplies ang mandato ng mga SK bagkus sila ang unang linya ng pamahalaan.
Dito nagsisimula ang mga lider na maaaring maglingkod sa mas mataas na posisyon sa hinaharap.
Kaya’t panawagan nito na sa paparating na halalan, na maging vigilant.
Ang ating pagboto ay hindi pagtatapos kundi simula ng pagbabantay at ito ay panahon upang bigyang halaga ang bawat posisyon, at ituring ang bawat boto bilang hakbang tungo sa mas makatarungan at maayos na pamahalaan.