Dagupan City – Upang matiyak ang wastong pangangalaga at tamang kondisyon ng mga armas ng mga kapulisan na nakatalaga sa loob ng Pangasinan Police provincial office, isang surprise inspection ang isinagawa matapos ang flag ceremony kahapon.

Pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Zaldy C. Fuentes ang inspeksyon ng mga armas ng pulisya upang siguraduhin na nasa maayos na kondisyon at wastong pangangalaga ang mga ito.

Ang layunin ng inspeksyon ay suriin ang mga baril ng pulisya sa aspeto ng kalinisan, lisensiya, kondisyon, at seguridad.

--Ads--

Nagpaalala rin ang opisyal sa mga pulis na gamitin nang wasto ang mga armas bilang bahagi ng kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad.

Sa ilalim na pamumuno ni Police Colonel Ricardo M David ay buo ang suporta nito sa isinagawang aktibidad na naglalayong palakasin ang disiplina at propesyonalismo ng kapulisan sa lalawigan.