Inilunsad ng Russia ang pinakamalaki nitong aerial-attack laban sa Ukraine mula nang magsimula ang digmaan noong Pebrero 2022, ayon sa isang opisyal ng Ukraine nitong Linggo.
Ayon sa ulat ng Ukrainian Air Force, umabot sa 537 na aerial weapons ang pinakawalan ng Moscow laban sa bansa.
Kabilang dito ang 477 na drones at mga decoy, at 60 na mga missile.
Sa kabuuan, 249 sa mga ito ang matagumpay na naitabla ng depensa ng Ukraine, habang 226 naman ang nawalan ng bisa, na pinaniniwalaang dahil sa electronic jamming.
Tinawag naman ni Yuriy Ihnat, tagapagsalita ng Ukrainian Air Force, ang nasabing opensiba bilang “pinakamalawak na airstrike” na isinagawa ng Russia mula nang simulan nito ang pananakop.
Aniya, isinama sa bilang ang parehong mga drone at iba’t ibang uri ng missile na ginamit sa pag-atake.
Patuloy naman na pinatitibay ng Ukraine ang kanilang air defense habang lumalala ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.