Dagupan City – Itatayo ng isang kooperatiba ang 150-megawatt na onshore wind power project sa mga bayan ng Sual at Labrador sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang proyekto, na nagkakahalaga ng P5.7 bilyon, ay bahagi ng layunin ng kumpanya na palakasin ang paggamit ng renewable energy sa bansa at mabawasan ang greenhouse gas emissions.

Target matapos ang proyekto sa unang bahagi ng 2028, habang nakatakdang simulan ang konstruksyon sa ikalawang bahagi ng 2026.

--Ads--

Kabuuang 20 wind turbines ang itatayo sa piniling lokasyon na malakas at tuloy-tuloy na ihip ng hangin na malapit sa mga existing transmission facilities.

Nakuha ng kumpanyang Citicore Wind Energy Corp. ang Wind Energy Service Contract mula sa Department of Enerey.

Magsisilbi itong mahalagang proyekto sa pagsulong ng energy transition ng bansa patungo sa net-zero emissions.