Sa gitna ng muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, nanawagan ang iba’t ibang grupo ng mamamayan, transport sector, at mga consumer advocates na ibasura na ang Oil Deregulation Law at tanggalin ang excise tax sa langis, upang maibsan ang matinding pasanin sa publiko.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cathy Estavillo Spokesperson, Bantay Bigas umalma ang publiko sa biglaang pagtaas ng hanggang ₱5 kada litro sa presyo ng gasolina at diesel, sa kabila ng pahayag ng mga kumpanya ng langis na mayroon silang “one-month stock” o sapat na imbentaryo.

Para sa marami, hindi makatarungan ang taas-presyo habang walang malinaw na paliwanag at kontrol ang gobyerno.

--Ads--

Bagama’t ay may kaguluhan sa ilang bansa sa gitnang silangan sana aniya ay hindi ito gamitin upang pagsamantalahan ang kasalukuyang sitwasyon.

Kaugnay nito ay igiinit niya na hindi rin sapat ang mga subsidiyang ibinibigay, dahil ito ay pansamantala lamang at hindi sasapat sa araw-araw na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Umaasa naman siya na pakikinggan at pagtutuunan ng pamahalaan ang kanilang panawagan.