Nararanasan ngayon dito sa Dagupan City ang bahagyang pagtaas ng presyo ng sibuyas sa ilang pamilihan.

Nagkaroon kasi ng paggalaw ng presyo ng pulang sibuyas sa dating 100-110 pesos kada kilo ay umakyat sa 120-130 pesos habang ang puting sibuyas naman ay tumaas mula 60 pesos ay pumapalo na ngayon sa 80 pesos kada kilo.

Tumaas ito ng halos 15 hanggang 20 pesos bunsod ng pagtubo ng ilang mga sibuyas na nasa imbakan dahil sa katagalan.

--Ads--

Paliwanag ng mga nagtitinda na upang maiwasan ang pagkalugi dahil sa pagkasira ng kanilang paninda ay kinailangan nilang itaas ang presyo.

Bagamat sinasabi na sapat ang suplay ng sibuyas sa bansa at hindi naman mataas ang demand ngunit ang problemang ngayon sa sibuyas sa imbakan ay nakaapekto sa presyo sa mga pamilihan.

Samantala, malaki din ang epekto nito sa mga mga mamimili dahil imbes na per kilo ang kanilang bibilhin ay napipilitang bumili ng mas kaunti upang makatipid.