Nakatakda muling humarap si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. sa korte matapos maoperahan kamakailan.

Nakaskedyul siyang sumailalim sa panibagong arraignment at pre-trial sa Manila Regional Trial Court Br. 12 sa darating na Hunyo 30, alas-8:30 ng umaga.

Sa kasalukuyan, kanya pa ring kinakaharap ang mga patung-patong na kasong may kinalaman sa illegal possession of firearms and explosives, at pagpatay o murder.

--Ads--

Matatandaan na kinumpirma ng kampo ni Teves na bumubuti na ang kalagayan nito matapos iinda ang malubhang pananakit ng tyan.

Kung saan ay ibinahagi ni Atty. Ferdinand Topacio na mas nagiging maayos na ng bahagya ang medikal na kondisyon ng kanyang kliyente.

Ayon pa sa kanya, ang dating kongresista ay ngayo’y maari ng makakain ng ilang piling pagkain kasunod ng halos ilang araw hindi makakain mula sa kanyang bibig.