DAGUPAN CITY- Tiniyak ng PAMANA Water Dagupan City na hindi maaapektuhan ng pagbaha sa panahon ng tag-ulan ang kanilang mga concessionaires.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Marge Navata, Spokesperson ng naturang public utility, na ‘well-sealed’ ang kanilang mga linya ng tubo at hindi ito mapapasukan ng tubig baha, maliban na lamang kung magkaroon ng tagas ang mga ito.
Aniya, patuloy din ang koordinasyon ng kanilang engineering department sa mga contructors ng mga road projects sa syudad upang matiyak na hindi mapinsala ang kanilang linya.
Araw-araw din lumilibot ang kanilang field workers para alamin ang kalagayan ng kanilang mga concessionaires mula sa iba’t ibang bahagi ng syudad.
Ibinahagi rin ni Navata na madalas nilang hamon, lalo na sa tuwing tag-ulan, ay ang mababang pressure ng katubigan sa ilang bahagi ng lungsod.
Gayunpaman, nilinaw niya na sapat ang suplay ng kanilang tubig para sa lahat ng populasyon ng Dagupan City.
Madalas kase na dahilan nito ay ang maling pag-install ng linya ng tubig subalit, aniya, ginagawa naman nila ang lahat ng makakaya upang maibigay ang tamang serbisyo.
Samantala, kasalukuyang proyekto ng PAMANA Water Dagupan City ang pumping station sa Barangay Carael.
Challenging man ang ito para sa kanila dahil sa malambot na kalagayan ng kalupaan subalit, inaasahan itong matatapos sa nakatakdang panahon, sa buwan ng July.
Bagaman ginagawa nila ang kanilang makakaya para matapos ito subalit, maaari pa rin ito maantala kung maaapektuhan ng kalagayan ng panahon.