Umaabot sa 19 bagyo pa ang maaaring mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bago matapos ang 2025.

Ayon sa Weather Bureau, inaasahang 2 hanggang 3 bagyo bawat buwan mula Hulyo hanggang Nobyembre, at 1 hanggang 2 sa Disyembre.

Tanging Tropical Depression Auring pa lamang ang nakapasok sa PAR ngayong taon na agad din namang nalusaw.

--Ads--

Mataas ang posibilidad ng landfall ng mga susunod na bagyo. Kahit ‘di tumama sa lupa, posible pa rin nitong palakasin ang habagat, lalo na mula Hulyo hanggang Oktubre.

Inaasahan ang normal na dami ng ulan sa buong bansa mula Hulyo hanggang Setyembre, maliban sa hilagang-kanlurang Luzon na maaaring makaranas ng mas kaunting ulan.

Mula Oktubre hanggang Disyembre, inaasahang tataas ang dami ng ulan, dulot ng mga bagyong posibleng pumasok o mabuo sa PAR.