oil price
oil

Nanawagan ang mga grupo ng mga drivers at operators na unahin sa pagbibigay ng bagong fuel subsidy ang mga hindi pa nakatatanggap noong nakaraang alokasyon ito ay kasabay ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Bernard Tuliao President ng AUTOPro Pangasinan, halos isa’t kalahating litro ang nababawas sa kita ng mga draybers sa bawat biyahe dahil sa sunod-sunod na oil price hikes.

Kung saan kahilingan ng mga ito na kung tuluyang tataas pa ang presyo ng krudo, mabuting isaalang-alang ng gobyerno ang temporary suspension ng excise tax sa produktong petrolyo upang
hindi lubusang maapektuhan ang publiko, lalo na ang mga mananakay at naghahanapbuhay.

--Ads--

Aniya na kung magpapatuloy ang sigalot sa pagitan ng mga bansang pangunahing supplier ng langis, malabo pang bumaba ang presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Kaya’t dapat gawing ‘forthwith’ o agad-agad ang plano ng pamahalaan na magrelease ng fuel subsidy.

Kaugnay nito umaasa naman siya na maglalabas ng karagdagang hakbang ang Department of Energy at Department of Transportation upang maibsan ang epekto ng oil price hike sa sektor ng transportasyon.

Samantala, nanawagan din ito sa kanilang mga kasamahan na iwasan ang sunod-sunod na violation incidents.

At sundin lamang ang fare metrics gayundin at umiwas sa anumang paglabag upang hindi mapatawag sa mga ahensya.