Dagupan City – Sinang-ayunan ng mga kumpanya ng petrolyo na hatiin ang isang one-time big-time oil price hike ngayon araw ng Martes, June 24.
Ayon sa Department of Energy (DOE) na nakipagkita mismo sina Energy Officer-in-Charge Sharon Garin at Undersecretary Alessandro Sales sa mga representante ng industriya ng langis kahapon upang pag-usapan ang naturang issue.
Naging positibo naman ang mga oil firms sa kahilingan ng gobyerno na hatiin sa dalawang araw ang pagtaas sa presyo ng petrolyo.
Epektibo ang pagtaas sa presyo kaninang alas-6 ng umaga
Ang mga pagtaas sa mga naturang presyo ay alinsunod sa inaasahang P5/liter hike.
Ngayon araw, ang Shell, Seaoil, at Petron ay magkakaroon ng pagtaas sa:
Diesel: P2.60/litro
Gasoline: P1.75/litro
Kerosene: P2.40/litro
Parehong presyo naman ang itataas sa araw ng huwebes, June 26.
Samantala, sa Caltex naman, magkakaroon din ito ng pagtaas ngayon araw:
Diesel: P3.45/litro
Gasoline: P2.25/litro
Kerosene: P3.20/litro
Habang magkakaroon muli ito ng pagtaas sa araw ng biyernes, June 27:
Diesel: P1.50/litro
Gasoline: P1/litro
Kerosene: P1.40/litro