DAGUPAN CITY- Isinulong ng Dagupan Autism Society Incorporated (DASI) ang mas malalim na pag-unawa at pagiging tunay na inklusibo ng komunidad para sa mga batang may autism.

Bagamat madalas na binibigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon at awareness, inihayag ng organisasyon na hindi lahat ay taos-pusong isinasabuhay ang hangaring tumulong at umalalay sa mga batang may espesyal na pangangailangan.

Ayon kay Elaine Estrada, pangulo ng DASI, ang mga batang may autism ay hindi humihingi ng labis kundi ang simpleng pag-unawa.

--Ads--

Aniya na sila mismo ang gumagawa ng hakbang upang makipag-ugnayan, ngunit inaasahan din nila ang sinserong pakikibahagi ng lipunan.

Maliban sa kampanya para sa edukasyon at pagpapalaganap ng kaalaman, patuloy na hinihikayat ng grupo ang boluntaryong partisipasyon ng mga mamamayan, lalo na ang mga nais tunay na maunawaan ang kondisyon ng mga batang may autism.

Nanawagan ang DASI na kahit sa simpleng paraan, maging mas sensitibo ang mga tao sa nararanasan ng mga batang ito.