DAGUPAN CITY- Lalo lamang natatakot at nahihirapan ang mga Pilipinong mangingisda sa kanilang pangkabuhayan dahil sa patuloy na girian ng China at Pilipinas sa pinag-aagawang karagatagan, ang West Philippine Sea.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pablo Rosales, Presidente ng Pangisda Pilipinas, libo-libo na ang mga pamilya ng mga mangingisda ang naaapektuhan sa tensyon sa nasabing karagatan dulot ng takot ng mga ito na sumugal na mangisda sa malalim na bahagi ng katubigan.
Sa tagal na nila itong dinadaing ay malaki na ang nawala sa bansa, partikular na ang pangkabuhayan at pagkain ng bansa.
Marami na rin ang mga nasaktan na mangingisda dahil sa panghaharass ng China kung saan kinuhanan na rin ang mga ito ng mga kagamitan at huling isda habang inaakyat ang kanilang bangka o barko.
Kaya sa ngayon ay nagtitiis na lamang sila na mangisda sa municipal waters at nakikipag-agawan sa kakarampot na huli.
Bagaman pahirapan na ang sitwasyon sa West Philippine Sea, lalo na sa Bajo de Masinloc, may ilan na naghahanap na lamang ng panibagong pagkakakitaan.
Kaya aniya, dapat na itong matigil at kilalanin na ng China na teritoryo ito ng Pilipinas, batay sa sinusundang International law.
Gayun na din sa paggalang ng communality ng pangisdaan at ang mga mangingisda.
Dapat din na igalang ng mga mangingisda ang tunay na nag-aangkin ng karagatan.
Subalit, panatiliin pa rin ang pagtutulungan ng bawat isa nang walang sinisirang kalikasan.
Nitong biyernes, June 20, nang muling nakaranas ng pambobomba ng watergun mula China ang BRP Datu Taradapit at BRP Datu Tamblot sa Bajo de Masinloc habang nagsasagawa ng resupply mission para sa mga Pilipinong mangingisda na nasa West Philippine Sea