DAGUPAN CITY- Patuloy ang pagbabantay ng mga personnel ng PNP sa coast areas dahil maaaring marami pa ang makitang hinihinalang illegal na droga na palutang-lutang sa katubigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLt. Marlyn Garrino, Police Community Relations Officer ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG), katuwang nila ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang mga lokal na kapulisan, Coastal at Maritime Groups, at ang mga opisyal ng bawat barangay.

Aniya, kinakailangan nilang matiyak na ma-surrender ang lahat ng mga hinihinalang illegal na droga upang hindi na ito maikalat pa sa rehiyon.

--Ads--

Gayunpaman, hamon naman para sa kanila ang kasiguraduhang nasu-surrender ang lahat ng mga narekober na droga.

Sinabi pa ni PLt. Garrino na maaring maharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act no. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang sinumang hindi mag-surrender ng narekober na illegal na droga.

Kaya kaniyang ipinaalala na mahalagang dalhin ito agad sa malapit na tanggap ng kapulisan.