DAGUPAN CITY- Aktibo ang programa ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na “Project Ready” upang bantayan ang mga paaralan mula sa mga aktibidad ng ilegal na droga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLt. Marlyn Garrino, Police Community Relations Officer ng nasabing grupo, regionwide ang kanilang programa kung saan kabilang na sa kanilang napuntahan ay ang paaralan sa La Union.
Aniya, ang programa na ito ay ginagamit mula sa Grade 1 hanggang Grade 12 upang mabigyan ng kaalaman ang mga estudyante hinggil sa ilegal na droga at mapigilan ang mga ito na masangkot sa kaugnay na ilegalidad.
Positibo naman na nakikipagtulungan ang mga punong guro ng mga paaralan para sa isagawa ang mga aktibidad ng kanilang programa.
Sa kasalukuyan naman ay wala silang nahuhuling kabataan na gumagamit ng ilegal na droga.