DAGUPAN CITY- ‎Ikatlong araw na ng pagbubukas ng klase para sa School Year 2025–2026, at nananatiling maayos ang takbo ng klase sa North Central Elementary School sa lungsod.

Ayon kay Principal Renato Benitez, umabot na sa 1,209 ang kabuuang bilang ng mga estudyanteng naka-enroll sa paaralan—mas mataas ng lima kumpara sa nakaraang taon na may 1,204 enrollees.

Ayon pa sa kanya, inaasahan pa rin ang pagdating ng mga late enrollees sa mga susunod na araw.

--Ads--

Bagamat generally ay maayos ang takbo ng klase, may ilang minor na hamon pa rin sa ikatlong araw.

Kabilang dito ang patuloy na pag-aadjust ng mga estudyante sa kanilang bagong silid-aralan, na naging sanhi ng kaunting kalituhan, lalo na sa mga batang nasa lower grade levels.

Bilang pag-unawa sa adjustment period, pansamantala pa ring pinapayagan ng paaralan ang mga magulang na samahan ang kanilang mga anak sa loob ng classroom ngunit may paalala ang pamunuan hindi dapat ito maging sagabal sa pag-aaral ng mga bata.

Dagdag ng pamunuan, kung magiging maayos ang transition ng mga estudyante sa mga darating na araw, posible nang ipatupad ang limitasyon sa pagbabantay ng mga magulang sa loob ng paaralan.