Ipinatigil ni incoming Malasiqui Mayor Alfe M. Soriano ang laganap na illegal quarry operations sa mga upland barangays ng bilang isa sa kanyang unang hakbang sa pag-upo sa pwesto sa darating na Hulyo.
Sa kanyang unang araw bilang alkalde, nakatakda siyang lumagda ng isang Executive Order na magbabawal sa lahat ng quarrying activities na walang kaukulang permit mula sa lokal na pamahalaan.
Inilantad ng bagong lider ng bayan na matagal nang umiiral ang mga operasyon ng quarry sa Malasiqui ngunit hindi ito nakarehistro o kinilala ng munisipyo, dahilan upang malugi umano ang bayan at mapinsala ang kalikasan sa kabundukang bahagi ng nasabing bayan.
Idinagdag pa ng alkalde na maraming negosyante ang kumita sa mapanirang gawaing ito, na patuloy na ginagawa sa kabila ng kawalan ng anumang pahintulot mula sa lokal na pamahalaan.
Nagbigay siya ng pangako sa mamamayan ng Malasiqui na marami pang makabuluhang programa ang kanilang mararanasan sa mga susunod na buwan.