Dagupan City – Nilinaw ng Political Analyst na hindi trabaho ng senado ang mag remand ng Articles of Impeachment pabalik sa Kamara.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael.Henry Yusingco, Political Analyst at Constitutional Law Expert, sinabi nito na ang impeachment process para kay Vice President Sara Duterte ay constitutional process at nakasaad sa Saligang Batas kung paano ito patakbuhin kaya ang primary reference all the time nito ay constitutional.

Dito na binigyang diin ni Yusingco ang kahalagahan ng Section 3 ng Article X of the Philippine Constitution kung saan nakalahad ang mga gagawin sa impeachment.

--Ads--

Aniya, kapag ang articles of impeachment ay naitransmit na sa senado, ang kailangang gawin lamang ng senado ay litisin ito at hayaan ang akusado na paglalatag din nito ng kaniyang sariling ebidensya.

Dito na nila isasakatuparang ang kanilang trabaho na hearing, trial, at judgment of conviction. Nangangahulugan na wala sa saligang batas na iremand ang article sa house of representatives dahil wala rin sa saligang batas ang motion to dismissed o remand dahil malinaw na hindi na ito sakop ng saligang batas.

Kaya dapat aniya ay malinaw sa taumbayan na ang utos ng saligang batas ay dapat ilitis ang akusado partikular na ang impeachment complaint.

Sa nangyayari kasi aniya, malinaw at hindi maitatanggi na lumalabas na mayroong mga sariling mga interes, sariling agenda at partisanship ang mga ibang senador.

Dito na rin binigyang diin ni Yusingco na dapat ay maging mapagmatyag ang taumbayan dahil ang mga senador na ito ay nanumpa at sinabing susundin nila ang saligang batas at taliwas ito sa kanilang ginagawa.

Inilatag din nito na ang constitutional issue tungkol sa impeachment process ay maaaring panghimasukan ng korte suprema ngunit bago pumasok ay kailangan munang magpetisyon sa kanila dahil hindi ito basta-basta.

Hinggil naman sa sinabi ni Senator Bato Dela Rosa na idismiss ang Articles of Impeachment, sinabi ni Yusingco na hindi tama ang kaniyang ginawa dahil wala siyang awtoridad na manghusga kung ito ba ay constitutional o hindi.