Dagupan City – Kasabay sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral ngayon kaakibat din nito ang maigting na pagbabantay sa bawat paaralan dito sa lungsod ukol sa mga insidente ng bullying sa mga paaralan.
Ayon kay Dr. Rowena Banzon ang siyang CESO V ng Schools division superintendent ng SDO Dagupan City na nagtalaga sila sa bawat paaralan ng anti-bullying child protection committe upang maging katuwang at ma-protektahan ang mga bata mula sa lahat ng uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon.
Bagamat anya na hindi lahat ng insidente ay nairereport, ay kanila namang tinitiyak ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga kaguruan at magulang sana ay Kahit simple at anong uri ng bullying na maranasan ng kanilang mga estudyante at anak ay ireport pa rin nila ito upang mabigyan ng karampatanag intervention at upang matugunan ang mga isyu.
Kaugnay din nito ay nagsasagawa rin sila ng mga seminar at usapin kasama ang mga mag-aaral para sa pagpapataas ng kamalayan ukol sa bullying.
Ang child protection committe CPC ay may mahalagang papel sa pagprotektar sa mga karapatan ng mga bata at pagtiyak ng kanilang kaligtasan sa paaralan.