Dagupan City – Pormal nang binuksan ang klase sa West Central Elementary School ngayong Lunes sa pamamagitan ng isang flag raising ceremony kung saan ipinakilala ang lahat ng guro sa mga mag-aaral at magulang.

Ayon kay G. Renatio Santillan, Principal ng paaralan, inaasahan sana nila ang humigit-kumulang 1,600 enrollees ngayong taon, ngunit lumampas na ito at umabot na sa 1,670 at patuloy pa rin ang enrollment.

Ngayong school year, ipinatupad nila ang iskedyul kung saan sa Kindergarten ay may 2 hanggang 3 oras kaya’t hindi na kinakailangan pa ng shifting. Habang sa mga ibang grade level naman ay mayroong shifting depende sa kanilang pangangailangan.

--Ads--

Ibinahagi rin ng punong-guro na nakapag-request na sila sa mga stakeholders tungkol sa kakulangan sa mga silid-aralan.

Bilang bahagi ng learning recovery program ng DepEd, agad magsasagawa ng mga aktibidad sa pagbasa, numeracy, at iba pang foundational skillsnn ang paaralan.

At sa loob ng unang dalawang linggo, magkakaroon ng diagnostic assessment para matukoy kung saan malakas o nangangailangan pa ng suporta ang mga bata.

Samantala, hinggil naman sa pagbaha ngayong tag-ulan, siniguro ni Santillan na hindi maaabot ng baha ang kanilang paaralan at kung mag-hightide man ay pawang sa harap lamang ng paaralan.