Dagupan City – Sa nalalapit na pagbabalik ng mga estudyante sa kani-kanilang paaralan ngayong lunes, mas pinaigting ng mga awtoridad ang paghahanda sa lansangan sa pamamagitan ng paglalagay ng karagdagang mga road signages sa mga pangunahing kalsada sa lungsod mg Dagupan
Ito ay para matiyak ang kaligtasan at maayos na daloy ng trapiko sa paligid ng mga paaralan, lalo na’t inaasahang dagsa muli ang mga sasakyan at pedestrian sa oras ng pasukan.
Kabilang sa mga inilagay na karatula ay ang mga paalala sa pedestrian crossing, speed limit sa mga school zone, at direksyong pangtrapiko upang gabayan ang mga motorista at pedestrian.
Bukod sa mga road signages, magsasagawa rin ng mga simulation at paglalatag ng traffic rerouting schemes sa piling lugar upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy sa unang araw ng klase.
Bahagi ito ng mas malawak na kampanyang “Balik-Eskwela 2025” na hindi lamang nakatuon sa seguridad sa paaralan kundi maging sa kapakanan ng mga mag-aaral habang sila’y naglalakbay patungo at pauwi ng paaralan.
Home Local News Karagdagang road signages, inilagay sa mga pangunahing lansangan bilang paghahanda sa Balik-Eskwela...