DAGUPAN CITY- Isinusulong ngayon ng pamunuan ng Barangay Poblacion Oeste sa Lungsod ng Dagupan ang mas pinaigting na seguridad sa komunidad sa pamamagitan ng paglalagay at pagpaparami ng mga CCTV camera.

‎Ayon sa barangay, layunin nitong mas mapigilan ang mga insidente ng krimen sa lugar, lalo’t ilang taon na ang nakalilipas nang masira o putulin ng mga hinihinalang magnanakaw ang halos lahat ng 45 CCTV units sa barangay.

‎Sa ngayon, may ilan nang mga camera na muling naikabit sa piling bahagi ng lugar.

Plano pa ng pamunuan na dagdagan ang bilang nito upang masaklaw ang mas maraming lugar at mas mapadali ang pagresponde sa mga insidente.

Kasabay ng proyektong ito, nakatakda ring maglagay ng 44 na solar-powered street lights sa mga susunod na buwan.

Target nitong maliwanagan ang mga madidilim na kalsada at eskinita upang maiwasan ang pagtatago ng mga posibleng salarin at mapadali ang pagkilala sa mga dumaraan.

‎Panawagan naman ngayon ng Barangay sa mga residente na makipagtulongan lamang sa brgy para sa pag iiwas ng krimen o kahit ano mang insidente sa nasabing lugar.

--Ads--