DAGUPAN CITY- Isinara na ng Iraq ang embahada ng Amerika at mga paliparan bilang pagpapaigting ng seguridad sa bansa dahil sa banta ng umiinit na gyera sa pagitan ng Israel at Iran.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Herme Espin, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, hindi rin kase ligtas ang nasabing byahe dahil napapadaan ang mga missiles na maaaring ikapahamak ng mga tao.
Sa kasalukuyan, sobrang nakaalerto ang bawat tao sa kanilang lugar at may ilan na rin ang nakasara at ipinagbabawal sa mga tao.
Gayunpaman, hindi pa gaano naapektuhan ang kanilang pamumuhay at patuloy pa rin ang kanilang pagpasok sa trabaho.
Samantala, nagkaroon na umano ng emergency meeting ang gobyerno ng Iraq upang lalong paghandaan ang maaaring maidulot ng gyera.
Subalit, walang intensyon o balak ang goboyerno ng bansa na makisali sa kaguluhan.