Dagupan City – Isasagawa ngayong araw hunyo 9 ng Schools Division Office (SDO) Pangasinan II sa bayan ng Manaoag partikular na sa Nalsian Elementary School ang kick-off ceremony ng Brigada Eskwela 2025.

Pangungunahan ito ni Schools Division Superintendent Dr. Vivian Luz Pagatpatan kasama ang lahat ng mga empleyado ng dibisyon at boluntaryong grupo.

Ang tema ngayong taon ay “Brigada Eskwela: Sama-Sama para sa Bayang Bumabasa,” na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pakikilahok ng buong komunidad sa paghahanda ng mga paaralan para sa pagbubukas ng klase.

--Ads--

Ayon sa pahayag ng LGU Manaoag na buong puso nilang sinusuportahan ang programa sa pangunguna ni Mayor Jeremy “Doc Ming” Rosario.

Kasama sa mga aktibidad ang paglilinis ng paaralan, pagkukumpuni, pagpipinta ng mga silid-aralan, pagtatanim ng puno, at iba pang mga gawain.

Magtatagal ang Brigada Eskwela hanggang sa darating sa Hunyo 13 at magbubukas naman ang school year 2025-2026 sa Hunyo 16.

Inaasahang makikilahok ang mga guro, magulang, mga opisyal ng barangay, mga samahang sibiko, at ang pribadong sektor upang matiyak ang kaligtasan, kalinisan, at kaayusan ng mga paaralan sa buong SDO Pangasinan II.

Layunin ng programa na mapabuti ang kalidad ng edukasyon para sa lahat ng mga mag-aaral.