Hindi na applicable ang tinatawag na sharing hinggil sa pagsasaka sakaling ang lupang pinagtatamnan ay hindi pagmamay-ari ng nagtanim.

Ayon kay Atty. Joey Tamayo – Co-anchor, Duralex Sedlex ang 50-50 na hati ay inabolish na ng batas.

Aniya na mayroon na lamang tinatawag na kontrata kung saan kailangang magbayad ng magsasaka ng fixed amount ng renta.

--Ads--

Ito ay nakadepende sa napag-usapan sa may-ari kung ang bayad ay kada buwan, kada taon o kada ani.

Subalit hindi naman nakabase ang bayad sa dami ng harvest bagkus ay kung ano lamang ang napag-usapan.

Samantala, kapag namayapa naman ang mga magulang ay karaniwang ang panganay na anak ang tagapagmana sa sakahan.

Ngunit kapag ito ay tumanggi na mangasiwa sa lupang sakahan ay nakadepende na sa mga mapag-uusapan ng mga magkakapatid.