Dagupan City – Aabot sa 13,000 na job vacancies ang naghihintay para sa mga job seekers sa isasagawang malawakang Job fair ng Department of Labor and Employment o DOLE region 1 sa araw ng Kalayaan, June 12 ilang lugar sa rehiyon.
Ito ay bilang bahagi sa ika-127th na paggunita ng Independece day kung saan kaisa ang Ilocos Norte: SM City Laoag, Ilocos Sur: Candon City Civic Center, La Union: Robinsons La Union, San Fernando City, Western Pangasinan: Alaminos City Gymnasium, Central Pangasinan: Nepo Mall, Dagupan City at sa Eastern Pangasinan: SM City Rosales.
Kaya naman may panawagan ng tanggapan sa lahat ng mga job seekers na magdala ng kanilang mga sapat na dokumento dahil maraming mga trabaho ang nakalaan, mapa interbational at local na mga kompanya o di kaya ay maari nilang bisitahin ang social media page ng tanggapan para sa mga karagdagang impormasyon.