DAGUPAN CITY- Dapat na bantayan ang mga traders at importers sa pagbili ng palay sa bansa, lalo na sa paglipana ng imported na bigas sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cathy Estavillo – Spokesperson, Bantay Bigas, muli lang maglalagay sa mga magsasaka sa bansa ang pagbaha ng imported na bigas na maaaring magresulta sa pagkalugi.
Aniya, hindi lang bigas ang batayan ng inflation sa bansa kung sari-saring salik na umiikot sa bansa, bagamat isa ito sa itinuturing na mahalagang produkto ng bansa, ganun na rin sa ibang karatig bansa.
Isa rin sa dahilan kung bakit tumataas ang inflation ay ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa bansa, kasabay ng pabusgo-bugsong pagtaas ng langis.
Traders at importers lang din ang nakikinabang sa ganitong mga panukala sa taripa pagdating sa bigas.
Dahil na rin sa climate crisis na nararanasan hindi lang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa ibang bahagi ng mundo ay malaki ang epekto nito sa mga magsasaka.
Isa rin sa mga makaakapekto sa presyo ng palay ay ang aasahang tag-ulan ngayong taon.