Dagupan City – Matagumpay na isinagawa ang Coastal Clean up drive sa Tondaligan Beach ng Sm cares Dagupan katuwang ang iba’t-ibang ahensya at ilang mga volunteers groups.
Ayon kay Eileen V. Delos Santos – Mall Manager, Sm Dagupan City ito ang unang pagkakataon na nag-conduct ang kanilang kasamahan sa Tondaligan Beach.
Kung saan umabot sa higit 50 volunteers mula sa SM at partner agencies ang nakilahok na may layuning mag-counduct ng coastal cleanup drive.
Ipinaabot naman nito ang kanilang pasasalamat sa partner agencies, at sa katunayan aniya may nakahanda pa silang mga iba pang activites, gaya ng medical missions, school buildings, scholarships at, farmer trainings.
Ayon naman kay Kathleen Joy Noe-Crs Officer, Bureau of Jail Management and Penology Female Dormitory, isa ito sa adbokasiya ng BJMP para makatulong at mapaganda pa ang kalikasan.
Ang simpleng hakbang kasi aniya ay nagpapaigting ng kagustuhang makatulong sa pagpapanatili ng kagandahan ng kalikasan at para na rin sa kinabukasan.
Dagdag naman ni SO1. Genaro Galupar Jr. Chief Escort, Bjmp, Male Dormitory, maganda itong hakbang para mapanatili ang kalinisan at mapanatili ang bonding sa bawa’t pamilya.
Bahagi pa nito ang kanilang programa na ‘Nausar mo, nausar ko, napinabangan na arum na tutuo na layuning magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.