Nakapagtala ng higit 4,000 na libo ng kaso ng Human Immunodefiency Virus (HIV) sa buong rehiyon mula nang nagsimula ang surveillance ng HIV sa rehiyon taong 1984.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis Medical Officer IV Center for Health Development (CHD) Region 1 pinakamarami sa datos ay mula sa lalawigan ng Pangasinan na mayroong 2622 na kaso.

Sunod ang La Union na may 869 na bilang, 594 naman sa Ilocos Sur, 461 sa Ilocos Norte at 245 naman sa syudad ng Dagupan.

--Ads--

Base sa datos mula buwan ng Enero hanggang Marso ang pinakamaraming bilang ng mga apektado ay mga lalaki na nasa kabuuang 165 habang 9 lamang sa mga babae.

Karaniwang tinatamaan ang mga nasa edad 25-34 sunod ang 15-24 taong gulang.

Kadalasang naipapasa ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik, paggamit ng ilegal na droga, mother to child transmission at transmission via blood.

Kaya’t hinihikayat nito ang lahat na magpatest o magpascreening upang malaman ang status hinggil sa nasabing kondisyon.

Ani Bobis na kapag nagpa anti-retroviral therapy ay bumababa ang dami ng HIV sa katawan hanggang sa maging undetectable na ito at untransmittable.