Dagupan City – Natagpuan ang naagnas at palutang-lutang na katawan ng isang hindi pa nakikilalang indibidwal sa isang ilog sa bayan ng Tayug.

Natuklasan ito ng mga residente sa tulay malapit sa kalsada sa Barangay Legaspi dahil sa umaalingasaw at masangsang na amoy ng nabubulok na katawan.

Agad itong ipinagbigay alam sa kapulisan upang makita ang sitwasyon ng bangkay dahil halos hindi na ito makilala.

--Ads--

Hinala ng iba na baka ilang araw na itong nakalutang sa ilog ng walang nakakaalaman o nakakapansin.

Sa kasalukuyan ay tinutukoy pa ng kapulisan ang pagkakakilanlan at sanhi ng pagkasawi ng biktima.

Maari namang makipag-ugnayan sa kapulisan ng Tayug Municipal Police Station kung may mga kakilalang nawawala mula sa lugar at kalapit na bayan dahil anumang impormasyon na maibabagi ay makakatulong sa kanilang nagpatuloy na imbestigasyon.