Muling nanawagan ang Samahang Industriya at Agrikultura (SINAG) na ibalik ang dating taripa sa imported na bigas upang ang makokolektang taripa ay mapupunta sa mga magsasaka.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura nitong buwan ng April, ang nawala na ay halos 23 billion sa collection ng taripa.
Matagal nang hiniling ng SINAG pagpapanumbalik ng 35% na taripa sa bigas mula ASEAN countries at 50% sa non-ASEAN countries dahil ayon sa grupo ay hindi nakatulong sa pagbaba ng presyo ng bigas, bagkus ay nagdulot pa ng pagtaas nito.
--Ads--
Giit ni So na mahalagang maprotektahan ang lokal na industriya ng bigas at tiyakin ang patas na presyo para sa mga konsyumer at magsasaka.