Malawak na pang unawa ang kailangan sa mga insidente ng filicide kung saan isa o dalawa sa mga magulang ay kinikitil ang buhay ng sarili nilang anak.

Ito ang pahayag Dr. Nhorly Domenden, Director ng Wundt Psychological Institute, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kaugnay sa kalunos lunos na balitang isang ina sa Sta. Maria, Bulacan ang sumunog sa kaniyang tatlong maliliit na anak at pagkatapos saka naman niya ito ginawa sa kaniyang sarili, dahil umano sa depresyon kung saan aAng matinding trahedya na ito ay nagdulot ng matinding kalungkutan sa komunidad.

Paliwanag ni Domenden, maaring husgahan ng ibang tao kung anong klaseng ina ito pero may bahagi rito na iniisip pa rin ng ina ang kapakanan ng mga anak niya pero ang kanyang pamamaraan ay hindi normal sa karamihan.

--Ads--

Ibinagi niya ang ilang dahilan na puwedeng humantong sa filicide o pagkitil sa buhay ng mga anak ng isang magulang.

Kasama na rito ang mental health issues gaya ng depression, psychosis na isang kondisyon sa pag-iisip kung saan nawawala ang koneksyon ng isang tao sa realidad.

Karaniwan itong sintomas ng isang mas malalim na problema sa kalusugan ng isip na tulad sa schizophrenia at relationship conflict kung saan kapag nadadamay na ang mga anak ay iniisip na mas mabuti na mawala na ang anak para hindi na sila maapektuhan sa away mag asawa at gayundin ng violence sa pamilya.

Ipinaliwanag pa ni Domenden na ang mental health issues ay silent killer na hindi nakikita dahil may mga tao na magaling magtago ng kanilang nararamdaman kung kayat nangyayari ang insidente na hindi inaasahan.