Pinaghahandaan na ng kinatawan mula sa bayan ng Basista ang gaganaping Philippine National Massage Competition na gaganapin sa July 9-11.
Ayon kay Jan-Ray Paul Dela Cruz, Contender sa nasabing Massage Competition, sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan, 12 taon nang massage therapist, ito ang unang pagkakataon na sumali siya sa nasabing kompetisyon.
Bilang paghahanda ay sumasailalim sila ng training at gumagawa ng technique na bago bago palang na gagawin.
Inaasahan na lalahukan ng 40 ang nasabing competition mula sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Sa kasaysayan aniya ng massage industry ito ang pangalawang pagkakataon at ang una ay ginanap noong 2022.
Aniya, ang pagsali sa competition ay isang prebilihiyo sa mga kapwa niya massage therapist kaya naman hangad nila na masusundan pa ito ng mga iba pang kompetition.
.