Iniintriga ng netizens ang relasyon nina Gerald Anderson at Julia Barretto.
Matagal-tagal na rin kasi silang hindi nakikita ng publiko na magkasama.
Sa social media platform, nag-upload ng ilang pictures at videos si Gerald na kuha sa kanyang bakasyon sa isang campsite kasama ang inang si Evangeline Opsima at ilang kaibigan.
Makikita ang pag-e-enjoy ni Gerald sa kanilang nature trip na bakasyon. May kuha pa itong naliligo sa ilog kasama ang isang aso.
Hindi naman maiwasang magtsismisan ang netizens sa comments section ng post ni Gerald.
Sabi ng isa pang netizen, ang patunay raw ay ang pag-unfollow kay Gerald ng kapatid ni Julia na si Claudia Barretto sa Instagram.
P
ero maaari namang hindi talaga naka-follow si Claudia kay Gerald kahit noon pa.
Samantala, sa Instagram account naman ni Gerald, makikitang naka-follow ito kay Claudia.
Hindi lahat ng nagkomento sa post ni Gerald ay nagsasabing hiwalay na nga ang aktor at si Julia. May mga nagtatanggol sa relasyon ng dalawa.
Ang huling pagkakataong namataang nagkasama sina Gerald at Julia ay noong March 10, 2025, sa pagdiriwang ni Julia ng kanyang 28th birthday.